20 November 2007

MAHIRAP MAG-ISA

ang hirap nung ikaw yung gumagawa ng lahat ng paraan para makipag-ayos lang. ang hirap nung pakiramdam na ikaw ang may kasalanan, kahit alam mong naibigay ang lahat ng kaya mo. ang hirap magalit sa kanya, sisihin siya sa mga kasalanan niya at maningil ng utang na loob dahil ayaw mong lumala lang ang namumuong mantsa sa inyong pagsasama.

mahirap, dahil mahal mo yung taong yun.

mahirap dahil walang nasusuklian sa lahat ng sinakripisyo mo. mahirap mag-isa.

02 June 2007

FOUR MYSTERIES OF LOVE

#1
siguro nga hindi ko na kailangang pakialaman ang buhay mo, dahil kahit kailan hindi ka nagkaroon ng pakialam sa akin. (sarili mo lang kasi inaalala mo)

#2
no, i don't trust you yet. and i'm not the best friend that you have to go through (there's someone else, if you should know). it's just that we've been through our best and worst times together. and we've grown to trust one another. i know you understand, and we can be friends, too.

#3
pride ko na ang nagdidikta sa'kin kung bakit nanghihinayang ako sa ginawa mo. umasa ako na makakarating ka. ni hindi ka nagpaliwanag. tapusin na lang natin 'to.

#4
bakit ganun, hindi ko magawang magalit sa'yo? kahit nasa harapan ko na ang kasalanang nagawa mo, natitigilan pa rin ako dahil sa kakaalala sa'yo. gusto kasi kita, pero yun ba ang nagiging mas matimbang sa lahat ng mga bagay na namamagitan sa'ting dalawa?

21 May 2007

BUILDING HATRED

i've been from hell to experience this multitude of experiences that keep on telling me that i should start making my own moves now.

ah yes, i've let the environment predict what's in store for me. i've allowed them to push me deeper into a labyrinth of nowhere. these experiences and these people i have come to grow up with have mindlessly made me realize that they're actually already trying to take me down.

and i find it not funny anymore. the joke they find on me has backfired on them. but the impact it would make would crash in on everyone's blind spot, where this plan of an evil nemesis is at work.

i'm getting tired already. my patience is starting to wear out and my egocentric humane is starting to eat me up.

i am at the brink of collapsing into my own world, the biggest defense. everything else would be shut off and the only rule i would follow would be to pursue my personal interest and bring down the crab-oriented demons.

this is my plan to save myself. the world now has transformed itself to a living nightmare, turning everyone against one another and where pride is the priority among everything else. this is where a mistake shall be corrected by another. the hard way has been chosen as the way out.

i am on my own now. it is not easy for me to trust, but that would be the least of my concerns. today, the competition starts now to get to the top and i have to emerge victory to show everyone how selfish they are. and so i have to become one, too.

it would be difficult to turn back now, there was a gunfire in my mind. the race has begun.

hopefully, i'd stay alive in the end...

30 March 2007

PAANO MO AKO PALALAYAIN

sino ba naman ang hindi naniniwala na nakapagpapalaya ang katotohanan? sino ba naman ang hindi gagaan ang pakiramdam matapos ibuhos and dating naninikip at nananakal na saloobin? sino ba naman ang hindi mabubunutan ng tinik at mababawasan ang pasang dala-dala ng daigdig matapos pagdaan at lagpasan ang lahat ng pasakit at hirap?

hindi nga ba't nakapagtataka ang mga karanasang sadyang mapagtanto at sinungaling? bakit kaya hindi mawari ang sariling kalayaan na kung ang tinataya ay ang mga bagay na kapantay ang halaga? nagkakaroon nga ba ng katwiran ang pagsasakripisyo sa mga pinaniniwalaan nating hindi na ganoon kahalaga?

totoo, hindi patas kung umasta sa'tin ang mundo, ang tadhana. nakasanayan nitong magbigay ng isang mabigat na pagsubok, sa paniniwalang masusukat dito kung gaano tayo karapat-dapat para sa mga nakatakda at nauukol na bagay.

ngunit hindi ba dapat ng lahat ng mga nangyayari sa takbo ng ating buhay ay nasa ating pagmamanipula? sarili natin ang gumagawa ng desisyon, ng sariling pamamaraan. tayo ang gumagawa ng tadhana. hindi dapat tayo sumisisi sa langit sa mga kahirapan o mga pagsubok na dinadaanan. naging desisyon natin ang dumaan sa mahirap at masukal na gubat, hindi nag-atubiling maghanap ng mas maikling at ligtas na daan.

hindi ibang tao ang magiging dahilan ng ating pagbagsak. hindi ibang tao ang magiging dahilan ng ating paghihirap. ang tanging kinalaman lang nila sa buhay mo ay nakasabayan mo lang sila, tapos. hindi habambuhay sisisihin mo ang taong sumaktan sa'yo, dahil kahit papano ay may naging pagkukulang ka rin.

kung naiipit ka sa isang sitwasyon dahil nararamdaman mong iniwan ka na, hindi maaaring tumunganga't mangisi. maghanap ng paraan. walang dumadating na pagkakataon kung hindi naman ito hinahanap ng taos sa puso.

hindi sa lahat ng oras ay mali ang paniniwala mo. hindi mo lang ito naipaglalaban. kaya ang nagiging kinalabasan ay nauunahan ka na ng iba sa karera.

maaaring sabihin na impluwensiya lang sa'tin ang mga taong nakapaligid. saktan man nila tayo, paibigin, kaibiganin, o mahalin, ito'y dahil sa atin. pero hindi sila ang magdidikta kung ano ang nararapat na tahakin.

totoo, magkakaugnay ang lahat ng tao. angng taimtim at malalim na pag-iintindi ang kailangan upang masilayan ang mga dapat abutin.

sa huli, ikaw pa rin ang magpapalaya sa sarili mo.

13 March 2007

PAG-IBIG, KAIBIGAN

ngayon ko masasabi
na madali akong nahuhulog sa taong mabait sa'kin
sa taong ngumingiti, at napapangiti rin ako
sa masarap kausap at masayang kasama
(at minsan, masarap ding yakapin).

ang problema nga lang,
kaibigan ko pa ang nakikita ko

pero naisip ko lang din,
wala naman naaabot sa isang relasyon
kung hindi dadaan sa pagkakaibigan,
ang pinakabasiko ng lahat.

dito ko rin masasabi
at sabihin na nating malaking bagay sa'kin
na sa una nga'y tumitingin ako sa panlabas na anyo
ngunit iba pa rin ang naibubunyag ng kalooban.

damdamin ang pinapagana ng utak
ngunit kasama nito'y alanganin sa sarili
kung kanyang tiwala ang pag-uusapan
humihirap lang ang mga araw na hindi siya nakikita

mahirap talagang maging maligaya
ngunit sa pagkakataong masulyapan siya
napapawi ang pinoproblemaat sumasaya ako ...kahit sandali lang

01 March 2007

A WRITER'S HOLD

my writing is lost
and seems hard to find it
i tried my mind for any word
but my imagination just went extinct

the entity of being is gone
passion now could have been numb
insensitive my heart does not thump
my soul was eerie dead and out of love

where is my strength my life
i dare wait but ended still waiting
the wind attempted blowing me away to fade
i did not hold back and let inside the caress

touch my soul and find my light
the sanity of truth hides my path
i am blinded and threatened to flee
but this fight i only had has to last

trapped in a thoughtless mind
this world only sees a dark vast
the iris felt this silent dead white
and a voiceless cry was distant and dry

it is a sword of rust forced to drive
the smith fails to persuade the stillness
glistening cut cannot break this world apart
and each strand would stand as doom touches down

within is the only choice of hope
the surreal thinking is but a mere fog
an illusion is the puzzle be sifted through
and the real war would surface after the wake up

12 February 2007

LAB TRAYANGGOL

mahal kita, mahal mo siya, mahal niya'y iba.
mahal kita, mahal mo siya, mahal ka rin niya.
mahal kita, mahal mo siya, mahal niya'y ako.

hindi ba't parang nakakasawa na? lagi tayong nalalagay sa alinman sa tatlong sitwasyon na iyan. na para bang ang buong buhay natin ay isang maganda at makulay na teleserye. na araw-araw live telecast lagi at walang retakes.

at dahil para na ngang soap opera na ang dating nito, lahat tayo nangangarap na lamang sa: MAHAL KITA, MAHAL MO'Y AKO.

ganun kasimple.

pero ang nakapagtataka lang diyan, ang pagkakataong yan ay sa mga katangi-tanging kaibigan o sa mga kakilala natin naipagkakaloob. alam kong nakakainggit ang mga taong inilaan talaga ng tadhana para sa isa't isa. na para bang napakaswerte nila dahil hindi na sila nahirapan hanapin ang kanilang "significant other."

sa mga naiinggit naman, kadalasa'y hindi na mapakali. sumasama lang ang loob. naiinis sa sarili dahil bakit parang ang daming problema sa mundo, ang daming tanong na walang mahanap na kasagutan, at ang daming kaibigan na halos nahuhulog na ang loob...

para bang wala nang katarungan sa mundo. ang mga mapalad ay yung mga taong hindi na dumadaan sa teleserye. una pa lang nilang makilala ang isa't isa, it must already be love! at sa iba naman, parang auditions sa pag-ibig na madalas ay rejected o denied ang kinalabasan.

yun nga lang, mas makulay ang buhay ng mga ito. nagiging mahirap lang tignan ito in a very optimistic manner. walang excitement ang buhay kung hindi mapagdadaanan lahat ng klaseng emosyon. at walang thrill kung walang love triangle.

sana nga lang ikaw yung pinag-aagawan... hindi yung binabalewala.