12 February 2007

LAB TRAYANGGOL

mahal kita, mahal mo siya, mahal niya'y iba.
mahal kita, mahal mo siya, mahal ka rin niya.
mahal kita, mahal mo siya, mahal niya'y ako.

hindi ba't parang nakakasawa na? lagi tayong nalalagay sa alinman sa tatlong sitwasyon na iyan. na para bang ang buong buhay natin ay isang maganda at makulay na teleserye. na araw-araw live telecast lagi at walang retakes.

at dahil para na ngang soap opera na ang dating nito, lahat tayo nangangarap na lamang sa: MAHAL KITA, MAHAL MO'Y AKO.

ganun kasimple.

pero ang nakapagtataka lang diyan, ang pagkakataong yan ay sa mga katangi-tanging kaibigan o sa mga kakilala natin naipagkakaloob. alam kong nakakainggit ang mga taong inilaan talaga ng tadhana para sa isa't isa. na para bang napakaswerte nila dahil hindi na sila nahirapan hanapin ang kanilang "significant other."

sa mga naiinggit naman, kadalasa'y hindi na mapakali. sumasama lang ang loob. naiinis sa sarili dahil bakit parang ang daming problema sa mundo, ang daming tanong na walang mahanap na kasagutan, at ang daming kaibigan na halos nahuhulog na ang loob...

para bang wala nang katarungan sa mundo. ang mga mapalad ay yung mga taong hindi na dumadaan sa teleserye. una pa lang nilang makilala ang isa't isa, it must already be love! at sa iba naman, parang auditions sa pag-ibig na madalas ay rejected o denied ang kinalabasan.

yun nga lang, mas makulay ang buhay ng mga ito. nagiging mahirap lang tignan ito in a very optimistic manner. walang excitement ang buhay kung hindi mapagdadaanan lahat ng klaseng emosyon. at walang thrill kung walang love triangle.

sana nga lang ikaw yung pinag-aagawan... hindi yung binabalewala.

No comments: