sa isang pag-ibig na hindi mo likas na maintindihan, mararamdaman mong mayroong butil ng galit ang namumuo na nakatago lamang sa tabi-tabi. ito yung mga sandaling maiinis ka dahil wala kang maisagot sa lahat ng mga tinatanong mo.
ang masama pa doon, kahit gaano na kasimple ang tanong, mahirap pa rin sagutin. mahal ko ba? sigurado ba ako sa nararamdaman ko? oo man o hinde, tatahimik ka na lang at sasakit lang ang ulo sa kakaisip.
one-way pag-ibig. maraming klase ito. isa na ang sinasarili mo lang ang nararamdaman mo't walang ibang nakakaalam pa. sa sobrang dami ng iyong iniisip, hindi mo alam ang totoo kung sigurado ka ba sa nararamdaman mo. o kaya naman ay inaalam mo kung tama ba yung nararamdaman mo saka mo sasabihin sa kanya [o sa iba, for that matter].
dahil doon, hahantong sa ideya ng pagkakaroon ng crush. hindi ka naman kasi sigurado eh, mahal mo ba? o baka crush mo lang. tutal yung pinapakita mo naman na napapansin ng iba eh yung mga bakas ng pamumula at hindi maipaliwanag na ngiti.
at hinahayaan mo lang sa ganoong sitwasyon...
hindi magtatagal, maiinis ka lalo sa sarili mo. iisipin mo kasi siya ulit at titignan muli kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya. pwedeng sigurado ka na't bubuksan ang puso, pero hindi mo pa rin sinabi sa kanya.
alam/pansin ng iba, hinayaan mo lang. wala siya ideya, hinayaan mo lang. ang importante lang naman sa'yo ay mapakita mong mahal mo siya. sasabihin mo pa sa sarili mo, "kahit wala nang kapalit basta masaya siya."
sa paglipas ng panahon, magagalit ka. parang lahat ng pinaghihirapan mo ay hindi man lang binibigyang pansin. minsan ay tatanungin mo sarili mo kung saan ka nagkulang at hindi niya maramdaman ang nararamdaman mo. sana sinabi na lang sa kanya ang totoo noon pa man, pero ang totoo lang niyan ay takot kang masaktan dahil ayaw mong matanggihan ka at ang lahat ng paghihirap mo.
one-way pag-ibig. madaya. hipokrito. puta. ang ibang mga klase ay kahawig nitong sitwasyon [kung kailangang ikwento, sa susunod na lang]. sa sobrang pagtitiis at pagkukumbinsi sa sariling lahat ng paghihirap ay ginagawa alang-alang sa kanya, hindi napapansin na humahantong rin sa pagiging kulang sa pagiging makasarili.
importante din ang maging selfish minsan. hindi sa lahat ng oras ay matutulungan o mamahalin mo ang ibang tao. hindi rin lahat ng mamahalin o tutulungan ay ganun rin ang gagawin sa'yo kahit maghanap ka pa ng mga may utang na loob sa'yo.
ang buhay ay hindi naging patas kailanman. lahat ng bagay ay may nauukol na kapalit.
1 comment:
ang kapal naman ng mukha. akala mo naman kung sino itong taong bato.
alam mo, bilang isang magaling na writer, nagkakaroon kami ng iba't ibang personalities. ganun talaga ang buhay.
yun ang dahilan kung bakit marami akong blog. ayoko kasi na sa iisang blog lang ako magwawala, magmumura, magmumuni-muni, maninirang puri, and the like.
nakita mo lang dito sa entry na ito ang isang parte...
kahit kailan, mayabang ka. bwahahaha! pero mas mayabang ako.
Post a Comment