27 January 2006

IIWASAN PA RIN KITA

ayaw pa rin kitang makita.

nagawa ko nang kalimutan ka matapos ang mapait na nakaraan. tinangay na ng hangin ang masasakit na alaala na namagitan sa ating dalawa. nabura na sa aking isipan ang mga hindi katanggap-tanggap na eksena. hindi ko na pinipilit sa sarili ko na magiging maayos pa rin ang lahat, kahit alam ko nuon pa man na hindi na maibabalik sa dati ang ating napagsamahan.

nagtagumpay ako sa paglimot sa'yo para maituon ko ang atensyon sa iba pang bagay. nagawa kong kalimutan at hindi na ako naabala sa pag-iisip sa'yo. iniwan ko na ang nakaraan natin at ngayo'y buhay pa rin ako hanggang ngayon.

tapos na ang lahat sa'tin. wala na'ng kailangang balikan pa. hindi ko na kailangang pagsisihan ang mga nangyari. wala na akong magagawa kung nakatadhana sa atin ang ganitong klaseng buhay.

pero iiwasan pa rin kita.

hindi ko magagawang makita ka muli, o kausapin at tignan ka man lang. kung sakaling masulyapan kita, agad akong lilingon para makaiwas pa sa mas malalang problema. iiwasan kita para wala nang makakapag-isip na may namagitan sa atin noon. gagawin ko ito para sa'yo.

huwag mong sabihin sa'kin na nahihiya ako sa'yo. huwag mong isipin na hindi ko kayang harapin ka na may tapang at buo ang loob. kahit alam kong ma-pride ako, hindi ko hahayaang apakan ako ng ibang anino... tanggap ko ang inilaan sa ating dalawa, kahit naging mapait pa ito.

huwag ka nang magtanong pa, hindi ko rin naman maipapaliwanag sa'yo ito ng maayos kahit makapag-usap muli tayo ng masinsinan. oo, siguro miss [mahal] pa rin kita hanggang ngayon. pero ni minsan ay nagkaroon ka ng pakialam sa'kin.

hayaan mo na ako ditong mag-isa, kaya ko pa naman.

2 comments:

Anonymous said...

sino yan? ang drama.

-charlz

Kerwin F. said...

it could be anybody.
hindi ko alam kung safe answer na ang tawag mo dyan or something...
nakapag-usap na siguro tayo [sa chat] tungkol dyan,
ikaw na lang ang bahalang manghusga