i've been from hell to experience this multitude of experiences that keep on telling me that i should start making my own moves now.
ah yes, i've let the environment predict what's in store for me. i've allowed them to push me deeper into a labyrinth of nowhere. these experiences and these people i have come to grow up with have mindlessly made me realize that they're actually already trying to take me down.
and i find it not funny anymore. the joke they find on me has backfired on them. but the impact it would make would crash in on everyone's blind spot, where this plan of an evil nemesis is at work.
i'm getting tired already. my patience is starting to wear out and my egocentric humane is starting to eat me up.
i am at the brink of collapsing into my own world, the biggest defense. everything else would be shut off and the only rule i would follow would be to pursue my personal interest and bring down the crab-oriented demons.
this is my plan to save myself. the world now has transformed itself to a living nightmare, turning everyone against one another and where pride is the priority among everything else. this is where a mistake shall be corrected by another. the hard way has been chosen as the way out.
i am on my own now. it is not easy for me to trust, but that would be the least of my concerns. today, the competition starts now to get to the top and i have to emerge victory to show everyone how selfish they are. and so i have to become one, too.
it would be difficult to turn back now, there was a gunfire in my mind. the race has begun.
hopefully, i'd stay alive in the end...
21 May 2007
30 March 2007
PAANO MO AKO PALALAYAIN
sino ba naman ang hindi naniniwala na nakapagpapalaya ang katotohanan? sino ba naman ang hindi gagaan ang pakiramdam matapos ibuhos and dating naninikip at nananakal na saloobin? sino ba naman ang hindi mabubunutan ng tinik at mababawasan ang pasang dala-dala ng daigdig matapos pagdaan at lagpasan ang lahat ng pasakit at hirap?
hindi nga ba't nakapagtataka ang mga karanasang sadyang mapagtanto at sinungaling? bakit kaya hindi mawari ang sariling kalayaan na kung ang tinataya ay ang mga bagay na kapantay ang halaga? nagkakaroon nga ba ng katwiran ang pagsasakripisyo sa mga pinaniniwalaan nating hindi na ganoon kahalaga?
totoo, hindi patas kung umasta sa'tin ang mundo, ang tadhana. nakasanayan nitong magbigay ng isang mabigat na pagsubok, sa paniniwalang masusukat dito kung gaano tayo karapat-dapat para sa mga nakatakda at nauukol na bagay.
ngunit hindi ba dapat ng lahat ng mga nangyayari sa takbo ng ating buhay ay nasa ating pagmamanipula? sarili natin ang gumagawa ng desisyon, ng sariling pamamaraan. tayo ang gumagawa ng tadhana. hindi dapat tayo sumisisi sa langit sa mga kahirapan o mga pagsubok na dinadaanan. naging desisyon natin ang dumaan sa mahirap at masukal na gubat, hindi nag-atubiling maghanap ng mas maikling at ligtas na daan.
hindi ibang tao ang magiging dahilan ng ating pagbagsak. hindi ibang tao ang magiging dahilan ng ating paghihirap. ang tanging kinalaman lang nila sa buhay mo ay nakasabayan mo lang sila, tapos. hindi habambuhay sisisihin mo ang taong sumaktan sa'yo, dahil kahit papano ay may naging pagkukulang ka rin.
kung naiipit ka sa isang sitwasyon dahil nararamdaman mong iniwan ka na, hindi maaaring tumunganga't mangisi. maghanap ng paraan. walang dumadating na pagkakataon kung hindi naman ito hinahanap ng taos sa puso.
hindi sa lahat ng oras ay mali ang paniniwala mo. hindi mo lang ito naipaglalaban. kaya ang nagiging kinalabasan ay nauunahan ka na ng iba sa karera.
maaaring sabihin na impluwensiya lang sa'tin ang mga taong nakapaligid. saktan man nila tayo, paibigin, kaibiganin, o mahalin, ito'y dahil sa atin. pero hindi sila ang magdidikta kung ano ang nararapat na tahakin.
totoo, magkakaugnay ang lahat ng tao. angng taimtim at malalim na pag-iintindi ang kailangan upang masilayan ang mga dapat abutin.
sa huli, ikaw pa rin ang magpapalaya sa sarili mo.

13 March 2007
PAG-IBIG, KAIBIGAN
ngayon ko masasabi
na madali akong nahuhulog sa taong mabait sa'kin
sa taong ngumingiti, at napapangiti rin ako
sa masarap kausap at masayang kasama
(at minsan, masarap ding yakapin).
ang problema nga lang,
kaibigan ko pa ang nakikita ko
pero naisip ko lang din,
wala naman naaabot sa isang relasyon
kung hindi dadaan sa pagkakaibigan,
ang pinakabasiko ng lahat.
dito ko rin masasabi
at sabihin na nating malaking bagay sa'kin
na sa una nga'y tumitingin ako sa panlabas na anyo
ngunit iba pa rin ang naibubunyag ng kalooban.
damdamin ang pinapagana ng utak
ngunit kasama nito'y alanganin sa sarili
kung kanyang tiwala ang pag-uusapan
humihirap lang ang mga araw na hindi siya nakikita
mahirap talagang maging maligaya
ngunit sa pagkakataong masulyapan siya
napapawi ang pinoproblemaat sumasaya ako ...kahit sandali lang

Subscribe to:
Posts (Atom)