sa pangalawang pagkakataon, gusto mong bumangon muli at iwagayway ang sariling bandila. sinubukang tumayo muli mula sa isang mapait na pagbagsak at paghulog. sinasabi mo sa sarili mo na hindi ka na muling magkakamali at sisiguraduhing makukuha mo na ang gusto mo...
umakyat ka ng pagkataas-taas, naniniwala kang tagumpay ay halos maabot mo na. ngunit ang pinakasentro ng pagsusulit ay ang paghuhulog sa sarili. dito mo malalaman kung sasaluhin ka ba o hinde. you're falling in love, but would anyone catch you?
hesitated, and then left. yun lang naman ang ginawa niya sa'yo. talagang masakit iyon; kahit unang beses mo pa lang ay parang hindi mo na kakayanin pa at parang nagbalak ka pang magpatiwakal. pero matapos ang matinding pag-iisip, nalaman mo na hindi pa tapos ang lahat at susubukan mong muli.
ang problema nga lang: siya ulit ang iyong finish line. narito na yung mga sandaling sasabihin mo sa sarili mo na okey lang na hindi ka na mahalin pabalik, basta appreciated ang effort at hindi iniiwasan o binabalewala. pero parang hindi ka na nag-iisip.
sa una mong pagsubok, ginusto mong maging bahagi ng buhay niya (at maging bahagi siya ng buhay mo). hindi ka nagtagumpay. at sa second attempt, sariling sakripisyo ang gusto mong mapansin niya. ito ang isang kamalian na kailangan bigyang pansin.
ano ba ang habol mo sa kanya? ito dapat ang tanong na tumatatak sa utak mo. sa lahat ng ginagawa mo sa buhay, lahat ng yan ay may goals na aabutin mo. ganun din dapat sa aspeto ng panunuyo o panliligaw. dapat may "expected results" ka, may objective sa kanya.
goal mo na ba ang mapansin niya? hanggang saan ba ang habol mo? ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa mga pinaghihirapan mong mga effort? balak mo bang maging kalaguyo niya, MU o best friend? ito marahil ang isa sa pinakamahirap sagutin na tanong sa talambuhay mo. hindi basta-basta ang sagot; hindi simple, komplikado ang pagpapaliwanag.
gusto mong maging best friends kayo kaya "nililigawan" mo siya muli, hindi yung gusto mong mapansin ka niyang muli at masaya ka na dun.
martir ka, binabansag mo ang sarili mo niyan. pero hahayaan mo bang maging tanga ka na lang kung hindi mo alam talaga ang nais mo sa buhay mo? sa kanya?
1 comment:
siguro nga.
Post a Comment