27 April 2006

IKAW AT AKO SA KANILA

ang katotohanan, kung magbiro, ay sadyang hindi isang laro lamang. ito'y isang drogang madaling malulungan ng isang taong hindi binabantayan ang kanyang sarili pati na rin ang paligid. kung hindi maingat, mahuhulog ka sa nailatag na patibong.

talaga bang makatotohanan ang mga kantyawan na pinaririnig ng mga kaibigan? bakit kailangan pang humirit dahil sa sariling kagustuhan lamang at walang matinong basehan? dapat bang maniwala sa nakikita ng karamihan?

paano kung iba ang alam ng lahat ng nakapaligid sa'yo sa sarili mong pinaniniwalaan? paano kung sadyang malaking impluwensya ang mga tao na kahit ano pang paliwanag ang gawin mo ay wala na ritong papansin? paano kung sa sandaling iyon ay malaman mo na ang kalaban mo na pala ang buong mundo?

ang mahirap kasi dito, maimpluwensya ang iba, at hindi maiiwasan sa tao na maniwala sa nakikita niya? kahit kayong mismong dalawa na ang dawit, at kayong dalawa lang ang nakakaalam ng katotohanan, wala pa ring maniniwala kundi kayong dalawa lamang. mas mabuti na yun kesa ikaw lang laban sa kanilang lahat.

kayong dalawa na lang ang natira. ang isa't isa na lamang ang maaasahan mo at wala nang iba pa. hahadlang man muli ang ibang tao'y balewala na lang ito at hindi na pinapansin pa. napag-usapan naman ang dapat gawin, at ang hindi malaos-laos na balita... walang dapat katakutan at ikahiya, wala namang totoo sa sinasabi nila eh.

mapapangiti ka na lang sa mga sinabi niya't gagaan muli ang loob. kung anuman ang gumugulo sa isip mo'y naibsan ito ng mga simpleng salita't ngiti. ngunit hindi magtatagal ay mararamdaman mo rin. babalik sa alaala ang mga sinabi nila, at magsisimula ka na ring maniwala sa kanila. ang sarili mong prinsipyo'y nabalewala rin sa huli.

gusto mo pala talaga siya. ano ngayon ang totoo?

21 April 2006

MAHAL KITA NILA

hindi ko ba alam kung may dapat sisihin sa mga nangyayaring pagkabog. ni wala akong ideya kung ano ang magiging kasalanan. ang puso ko ngayo'y dumadaan muli sa isang purgatoryong pinalilibutan ng mga mapanlait at mga taksil na uwak. at hindi ko na talaga maintindihan ang sitwasyon, masasabi ko pa ba kung hindi ko nagugustuhan itong nangyayari sa'kin gayong...

sino nga ba naman ang hindi magdadalawang isip na paghinalaan ka na may namamagitan sa inyong dalawa dahil lang sa inyong labis na pagsasama? hindi na rin maipagkakaila kung gaano na ninyo kakilala ang isa't isa, dahil sa hindi maaari nang tanggihan ang pagpapalit komunikasyon sa iba't ibang paraan. ang isa'y nabubuhay para sa iba, ganun kayo sa kanilang mga mata.

ganun kaeksakto ang mga naging eksena sa buhay ko. ang mas nagpagrabe pa dito ay hindi lang isang beses nangyari sa'kin ito. sa totoo lang ay ngayon ko muli dinadaan ito.

hindi na nga ba ako natuto't pabalik-balik ako sa mga nangyari sa'kin sa nakaraan? kung umuulit man ang aking naging kasaysayan, ibang tao naman ang mga nasangkot. ang pagkakataon nga naman, kung totoo'y parang imposible.

dahil sa kanila, napamahal ka na sa akin. naging isa kang importanteng tauhan sa kwento ng sarili kong buhay. ngunit ang problema lamang ay walang nakakaalam ng eksaktong dahilan kung bakit, maski ako ang tanungin ay magbibigay lang ako ng maraming dahilan.

tama ba kung sisihin ko ang mga taong nakapalagid sa'min dahil sa kanilang mga tukso, hirit at pagpaparinig sa amin? tama ba kung sisihin ko ang sarili ko dahil nakilaro ako sa mga biruan nila na hindi nagtagal ay naging seryosohan na? tama ba kung sisihin ko ang taong nagpahulog muli sa aking damdamin dahil lamang sa aming madalas na pagsasama at sa mas malalim na pagkakakilala, sa pagtuklas ng aming mga hinaing, sikreto at iba pang personal na bagay?

dahil sa kanila, napamahal lang lalo ako sa'yo. dahil sa'yo, napamahal ka lang sa akin. dahil sa mga pinaggagagawa ko, napamahal ka yata sa akin.

ngunit hindi rin solusyon ang paglayo nating dalawa, o ang pagputol ng komunikasyon sa isa't isa. maaaring lumala ang sitwasyon, hindi lamang sa pisikal na bagay, pati na rin utak natin ay hahamakin tayong konsensyahin sa pilit na nagiging katotohanan.

ang tanong ngayon: ano ba talaga ang pwedeng gawin? alam mo ang tungkol sa bagay na ito. hindi na ako nagiging sigurado sa lahat ng mga sinasabi ko. alam ko sa sarili ko na naging tapat naman lahat ng mga salita ko at wala akong ibig saktan ka.

sana'y naiintindihan mo ako. kailangan kita.

18 April 2006

BILANG ANG ARAW MO

...kayong mga 'di marunong tumupad sa usapan. sana alam mo kung gaano mo sinisira ang araw ng mga taong pinakuan mo. ang naging problema pa dun, pinagpapatuloy mo lang ang katarantaduhan mo. hindi mo kasi napapansin na sumosobra ka na. ang ayoko pa naman sa lahat ay yung mga taong walang isang salita. kayo dapat ang unang mamatay dahil hindi umuunlad ang ibang tao dahil sa inyo. hindi ninyo nga kami hinahatak pababa pero pinipigilan ninyo naman kaming umakyat. nadadamay kami sa kalokohan ninyo. mamatay kayo sana sa isang matinding lason.

...kayong mga manhid. kailan ninyo ba mararamdan ang katotohanan mula sa ibang tao? bakit ba ninyo patuloy na iniiwasan na masangkot sa mga nararamdaman ng ibang tao? ang katotohanan kasi dyan, pride ang pinapairal ninyo. hindi ninyo siguro napapansin pero pinahihirapan ninyo na rin ang mga sarili ninyo dahil ayaw ninyong masaktan, lalo na ang magmahal. mamatay kayo sana sa isang sunog.

...kayong mga plastik at sinungaling. hindi ako yung tipo ng tao na madaling maloko sa mga matatamis ninyong salita. isa akong psychoanalyst, alam ko ang mga pangitain ng mga kalokohan ninyo. huwag ninyong piliting alam ninyo na ang lahat at kaya ninyong kontrolin ang ibang tao. hindi lahat ng kinikilos ninyo ay nakakatuwa o nakakakumbinse. nakakatawang isipin na ang niloloko ninyo lang ang sarili ninyo. mamatay kayo sana ng mga putok at naiwang bala dyan sa ulo ninyo.

hindi na ako makapaghintay pumatay. masaya sigurong makita ang mga kaaway mo na nagdudusa at nauubusan na ng oras sa lupang ito. huwag kayong mag-alala, mawawala rin ang sakit.