ayaw pa rin kitang makita.
nagawa ko nang kalimutan ka matapos ang mapait na nakaraan. tinangay na ng hangin ang masasakit na alaala na namagitan sa ating dalawa. nabura na sa aking isipan ang mga hindi katanggap-tanggap na eksena. hindi ko na pinipilit sa sarili ko na magiging maayos pa rin ang lahat, kahit alam ko nuon pa man na hindi na maibabalik sa dati ang ating napagsamahan.
nagtagumpay ako sa paglimot sa'yo para maituon ko ang atensyon sa iba pang bagay. nagawa kong kalimutan at hindi na ako naabala sa pag-iisip sa'yo. iniwan ko na ang nakaraan natin at ngayo'y buhay pa rin ako hanggang ngayon.
tapos na ang lahat sa'tin. wala na'ng kailangang balikan pa. hindi ko na kailangang pagsisihan ang mga nangyari. wala na akong magagawa kung nakatadhana sa atin ang ganitong klaseng buhay.
pero iiwasan pa rin kita.
hindi ko magagawang makita ka muli, o kausapin at tignan ka man lang. kung sakaling masulyapan kita, agad akong lilingon para makaiwas pa sa mas malalang problema. iiwasan kita para wala nang makakapag-isip na may namagitan sa atin noon. gagawin ko ito para sa'yo.
huwag mong sabihin sa'kin na nahihiya ako sa'yo. huwag mong isipin na hindi ko kayang harapin ka na may tapang at buo ang loob. kahit alam kong ma-pride ako, hindi ko hahayaang apakan ako ng ibang anino... tanggap ko ang inilaan sa ating dalawa, kahit naging mapait pa ito.
huwag ka nang magtanong pa, hindi ko rin naman maipapaliwanag sa'yo ito ng maayos kahit makapag-usap muli tayo ng masinsinan. oo, siguro miss [mahal] pa rin kita hanggang ngayon. pero ni minsan ay nagkaroon ka ng pakialam sa'kin.
hayaan mo na ako ditong mag-isa, kaya ko pa naman.
27 January 2006
22 January 2006
PARA SA ISANG PARTIKULAR NA IKAW
kung alam mo lang sana ang nangyayari ngayon sa mga buhay-buhay natin nitong nakaraang mga araw, mga linggo, mga buwan. madalang na tayong mag-usap hindi katulad ng dati. ang hirap nang mabalitaan ang isa't isa dahil kahit man lang ang mga kompyuter natin ay walang maitulong. wala na tuloy akong marinig mula sa'yo o kahit magtanong pa ako sa mga kaibigan natin.
para bang nawala ka na lang na parang pumutok na bula. ni hindi ko namalayan na hindi ka na pala nagpaparamdam hanggang sa kinailangan kita. kung kailan hinahanap-hanap na kita para makausap, makapiling o kahit makita man lang, hindi kita mahuli sa pinagtataguan mo. nalungkot lang ako lalo...
oo, miss na kita hanggang ngayon.
at naiinis ako dahil wala man akong magawa nang wala ka.
binabalikan ko ang mga panahong madalas tayo mag-usap. sa telepono na umaabot ng umaga dahil lamang sa mga pesteng problema ng buhay. sa text na inuubos dati ang mga load natin para lang makamusta ang lagay ng isa. sa chat na kung magpalitan ng mga salita eh parang hindi pa nagkikita ng ilang linggo. at tuwing nagsasama naman tayo, mga ngiti at kwentong interesante lang ang nababanggit.
masyado lang siguro akong nasanay na ginagawa natin ito palagi.
pero ngayon... parang hindi lang ikaw ang nawala, marami. nawalan ako ng kasama sa maraming bagay, karamay, kakampi, katunggali, at kabogchi. para akong isang adik na nawalan ng bisyo bigla, hinahanap muli ang nawala sa'kin.
siguro masyado lang akong naging makasarili at hinayaan ko ang sarili kong maangkin ka ng lubos. hindi ko inisip na isang araw ay pwede mong lisanin ang buhay ko't iwan ng mag-isa. hindi ko man napaghandaan ang mga ganitong klaseng sitwasyon.
ngayon naiinis ako sa sarili ko. hindi ko mapatawad ang isang taong katulad ko na hindi marunong matuto sa sarili niya. masyado akong umasa sa'yo, na inakala kong tatagal ang ating pagsasama. gusto ko nang umiyak pero pati iyon ay hindi ko man mapagtagumpayan.
humahantong ako sa mga puntong hindi ko madalas napagbibigyan. maaaring itong nararamdaman ko na para sa'yo ay hindi lamang ng isang kaibigan. maaaring turing kapatid o kaya'y higit sa isang inaakmang pag-ibig. ngunit hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa ito ng aking utak at puso, nalilito pa hanggang ngayon...
ito ang dahilan kung bakit ko nabuo ito... dahil lamang sa'yo. hindi lamang sa kadahilanang inaalala kita, kundi kailangan kita. wala akong balak humingi ng anumang kapalit mula sa'yo. sa tagal ng ating napagsamahan, masasabi kong isa ka sa mga nakakakilala sa'kin ng lubusan.
sana mabasa mo ito... pero alam kong imposibleng mangyari iyon. aasa na lang akong darating rin ang pagkakataon. maintindihan mo lang sana ako. kailangan kita, at hindi na kailangang tanungin pa kung bakit.

13 January 2006
THE PAIN OF LOVE
up until now, i do not fully understand the concept of love. surely it has brought me into different parts of a world i never knew they actually existed. because of this i not only what or why is it felt at the most unexpected moments, i ventured into the eye of the needle and experienced the most memorable.
yet love is not always that good. it also produced to me the pain lavishing within my veins when i willingly sacrificed almost everything and what remains is a dull, lonely soul. because of this, everything that fails is lost in a realm i never owned.
succeeding in this art is a rare and truly a gift. once rewarded one cherishes it to the point that an evil mist attempts to blind him for selfishness. out will errupt misunderstanding and nowhere will he find himself in the end.
the fear of rejection. the fear of being misunderstood. the fear of being looked down to. the fear of lust and pleasure. the fear of discrimination. the fear of outcasting.
the thoughts streaming over send shiver down my spine... i would shout out loud why the hell would a world want a balance? why does there have to be evil when good is always thought to overcome it? and why can't love conquer all if pain is the way?
i do not want to believe in it anymore. no power has ever convinced me to contrinue dreaming for it. that one day arriving seems eternity and i couldn't wait any longer. many times i've been tested and i tried to seek from it, i ended up playing the "it" and catch whatever's hiding from me. the truth does not set one free, but makes one realize what has to be done.
love is a crime. and it's killing me. it's torturing me with some i have thought would bring me out of the bloody swamp and dry me off into the sunlight. the right persons that i have believed so left. i was alone all along.
but i'm hoping... because i need it. yet i do not even know what it is... come what may, and take me to where i should be. coz i won't be staying here very long if i would not know what should be...

Subscribe to:
Posts (Atom)