darating rin pala ang pagkakataon sa buhay ko kung saan hindi ako makapagpili kung ano ang mas importante, ang mas mahalaga, ang mas matimbang. hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko at kung ano ang mas nangangailangang pagtuunan ng pansin.
ang nagiging mas mabigat pa ay ang katotohanang hindi naman titigil sa pag-ikot ang mundo o katapusan man lang ng buhay ko. gising ako sa katotohanan na hindi naman ganung kalaking bagay ang pinoproblema ko pero dala-dala mo ito't pasan mo sa mahabang panahon.
hindi madali itong bitiwan. ito ang mga sandaling babalikan mo ang nakaraan para tamasin muli ang pinaniniwalaan mong saya, kung saan ka nakadama ng ligaya.
ano ang mas matimbang? titignan mo kung alin ang mas naging malaki ang naging bahay sa buhay mo. hahanapin mo kung alin ang mas malaki ang naging epekto nito sa'yo. iisa-isahin mo ang mga bagay na nagpapakapit sa'yo sa kanila.
ano ang mas mahalaga? ano ang mas importante? malalaman mo na sarili mo pa rin ang iniisip mo. kapakanan mo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang iyong patutunguhan. hindi iba ang magdidikita kung ano ang tama. ang puso't utak mo'y naguguluhan sa mga nangyayari sa loob mo.
ang hidwaan ay hindi kailanman maibabaon. anuman ang piliin, ang unahin, sa huli'y mapapaisip ka kung ano kaya ang mangyayari kung ang hindi ito ang napagpasyahan ng sariling damdamin.
matakot ka, dahil ang pinaka-ultimong makakalaban mo ay ang sarili mo lamang.
01 June 2006
26 May 2006
YOUR CONSTANCY
should i trust you?
are you the one who i should go to in my times of despair? are you the one who i can run to when there's no one else to be there for me? are you the one who'll comfort me when i'm down and helpless?
the problem is, even you can't rescue me from this darkness.
the worse part of it is, i've grown to love you more than i expected. you are not aware of this, i am sure. even if the people around us are not certain with what they are saying. and no one believes until they'd see it.
that's the problem of constancy. and it's a matter of dealing with a relationship that continues to learn and grow. no one notices it until the other is not around. all alone it would be just thinking and wondering how soon is now.
with a simple smile and soft hello, it's already enough to brighten the day. even tantrums can be blown away, knowing it's only one person who could take those away.
but today it's different. and i'm still wishing everything would be just fine. that later you would come and deliver me from this agony. you were there, alright. but you just watched me fall into a pit of sorrow. i died there thinking only of you. it's painstaking.
i need you. and if not now, soon could not wait. i'm falling apart.

18 May 2006
LOVE REATTEMPTS
sa pangalawang pagkakataon, gusto mong bumangon muli at iwagayway ang sariling bandila. sinubukang tumayo muli mula sa isang mapait na pagbagsak at paghulog. sinasabi mo sa sarili mo na hindi ka na muling magkakamali at sisiguraduhing makukuha mo na ang gusto mo...
umakyat ka ng pagkataas-taas, naniniwala kang tagumpay ay halos maabot mo na. ngunit ang pinakasentro ng pagsusulit ay ang paghuhulog sa sarili. dito mo malalaman kung sasaluhin ka ba o hinde. you're falling in love, but would anyone catch you?
hesitated, and then left. yun lang naman ang ginawa niya sa'yo. talagang masakit iyon; kahit unang beses mo pa lang ay parang hindi mo na kakayanin pa at parang nagbalak ka pang magpatiwakal. pero matapos ang matinding pag-iisip, nalaman mo na hindi pa tapos ang lahat at susubukan mong muli.
ang problema nga lang: siya ulit ang iyong finish line. narito na yung mga sandaling sasabihin mo sa sarili mo na okey lang na hindi ka na mahalin pabalik, basta appreciated ang effort at hindi iniiwasan o binabalewala. pero parang hindi ka na nag-iisip.
sa una mong pagsubok, ginusto mong maging bahagi ng buhay niya (at maging bahagi siya ng buhay mo). hindi ka nagtagumpay. at sa second attempt, sariling sakripisyo ang gusto mong mapansin niya. ito ang isang kamalian na kailangan bigyang pansin.
ano ba ang habol mo sa kanya? ito dapat ang tanong na tumatatak sa utak mo. sa lahat ng ginagawa mo sa buhay, lahat ng yan ay may goals na aabutin mo. ganun din dapat sa aspeto ng panunuyo o panliligaw. dapat may "expected results" ka, may objective sa kanya.
goal mo na ba ang mapansin niya? hanggang saan ba ang habol mo? ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa mga pinaghihirapan mong mga effort? balak mo bang maging kalaguyo niya, MU o best friend? ito marahil ang isa sa pinakamahirap sagutin na tanong sa talambuhay mo. hindi basta-basta ang sagot; hindi simple, komplikado ang pagpapaliwanag.
gusto mong maging best friends kayo kaya "nililigawan" mo siya muli, hindi yung gusto mong mapansin ka niyang muli at masaya ka na dun.
martir ka, binabansag mo ang sarili mo niyan. pero hahayaan mo bang maging tanga ka na lang kung hindi mo alam talaga ang nais mo sa buhay mo? sa kanya?

Subscribe to:
Posts (Atom)