sa isang pag-ibig na hindi mo likas na maintindihan, mararamdaman mong mayroong butil ng galit ang namumuo na nakatago lamang sa tabi-tabi. ito yung mga sandaling maiinis ka dahil wala kang maisagot sa lahat ng mga tinatanong mo.
ang masama pa doon, kahit gaano na kasimple ang tanong, mahirap pa rin sagutin. mahal ko ba? sigurado ba ako sa nararamdaman ko? oo man o hinde, tatahimik ka na lang at sasakit lang ang ulo sa kakaisip.
one-way pag-ibig. maraming klase ito. isa na ang sinasarili mo lang ang nararamdaman mo't walang ibang nakakaalam pa. sa sobrang dami ng iyong iniisip, hindi mo alam ang totoo kung sigurado ka ba sa nararamdaman mo. o kaya naman ay inaalam mo kung tama ba yung nararamdaman mo saka mo sasabihin sa kanya [o sa iba, for that matter].
dahil doon, hahantong sa ideya ng pagkakaroon ng crush. hindi ka naman kasi sigurado eh, mahal mo ba? o baka crush mo lang. tutal yung pinapakita mo naman na napapansin ng iba eh yung mga bakas ng pamumula at hindi maipaliwanag na ngiti.
at hinahayaan mo lang sa ganoong sitwasyon...
hindi magtatagal, maiinis ka lalo sa sarili mo. iisipin mo kasi siya ulit at titignan muli kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya. pwedeng sigurado ka na't bubuksan ang puso, pero hindi mo pa rin sinabi sa kanya.
alam/pansin ng iba, hinayaan mo lang. wala siya ideya, hinayaan mo lang. ang importante lang naman sa'yo ay mapakita mong mahal mo siya. sasabihin mo pa sa sarili mo, "kahit wala nang kapalit basta masaya siya."
sa paglipas ng panahon, magagalit ka. parang lahat ng pinaghihirapan mo ay hindi man lang binibigyang pansin. minsan ay tatanungin mo sarili mo kung saan ka nagkulang at hindi niya maramdaman ang nararamdaman mo. sana sinabi na lang sa kanya ang totoo noon pa man, pero ang totoo lang niyan ay takot kang masaktan dahil ayaw mong matanggihan ka at ang lahat ng paghihirap mo.
one-way pag-ibig. madaya. hipokrito. puta. ang ibang mga klase ay kahawig nitong sitwasyon [kung kailangang ikwento, sa susunod na lang]. sa sobrang pagtitiis at pagkukumbinsi sa sariling lahat ng paghihirap ay ginagawa alang-alang sa kanya, hindi napapansin na humahantong rin sa pagiging kulang sa pagiging makasarili.
importante din ang maging selfish minsan. hindi sa lahat ng oras ay matutulungan o mamahalin mo ang ibang tao. hindi rin lahat ng mamahalin o tutulungan ay ganun rin ang gagawin sa'yo kahit maghanap ka pa ng mga may utang na loob sa'yo.
ang buhay ay hindi naging patas kailanman. lahat ng bagay ay may nauukol na kapalit.
11 May 2006
27 April 2006
IKAW AT AKO SA KANILA
ang katotohanan, kung magbiro, ay sadyang hindi isang laro lamang. ito'y isang drogang madaling malulungan ng isang taong hindi binabantayan ang kanyang sarili pati na rin ang paligid. kung hindi maingat, mahuhulog ka sa nailatag na patibong.
talaga bang makatotohanan ang mga kantyawan na pinaririnig ng mga kaibigan? bakit kailangan pang humirit dahil sa sariling kagustuhan lamang at walang matinong basehan? dapat bang maniwala sa nakikita ng karamihan?
paano kung iba ang alam ng lahat ng nakapaligid sa'yo sa sarili mong pinaniniwalaan? paano kung sadyang malaking impluwensya ang mga tao na kahit ano pang paliwanag ang gawin mo ay wala na ritong papansin? paano kung sa sandaling iyon ay malaman mo na ang kalaban mo na pala ang buong mundo?
ang mahirap kasi dito, maimpluwensya ang iba, at hindi maiiwasan sa tao na maniwala sa nakikita niya? kahit kayong mismong dalawa na ang dawit, at kayong dalawa lang ang nakakaalam ng katotohanan, wala pa ring maniniwala kundi kayong dalawa lamang. mas mabuti na yun kesa ikaw lang laban sa kanilang lahat.
kayong dalawa na lang ang natira. ang isa't isa na lamang ang maaasahan mo at wala nang iba pa. hahadlang man muli ang ibang tao'y balewala na lang ito at hindi na pinapansin pa. napag-usapan naman ang dapat gawin, at ang hindi malaos-laos na balita... walang dapat katakutan at ikahiya, wala namang totoo sa sinasabi nila eh.
mapapangiti ka na lang sa mga sinabi niya't gagaan muli ang loob. kung anuman ang gumugulo sa isip mo'y naibsan ito ng mga simpleng salita't ngiti. ngunit hindi magtatagal ay mararamdaman mo rin. babalik sa alaala ang mga sinabi nila, at magsisimula ka na ring maniwala sa kanila. ang sarili mong prinsipyo'y nabalewala rin sa huli.
gusto mo pala talaga siya. ano ngayon ang totoo?

21 April 2006
MAHAL KITA NILA
hindi ko ba alam kung may dapat sisihin sa mga nangyayaring pagkabog. ni wala akong ideya kung ano ang magiging kasalanan. ang puso ko ngayo'y dumadaan muli sa isang purgatoryong pinalilibutan ng mga mapanlait at mga taksil na uwak. at hindi ko na talaga maintindihan ang sitwasyon, masasabi ko pa ba kung hindi ko nagugustuhan itong nangyayari sa'kin gayong...
sino nga ba naman ang hindi magdadalawang isip na paghinalaan ka na may namamagitan sa inyong dalawa dahil lang sa inyong labis na pagsasama? hindi na rin maipagkakaila kung gaano na ninyo kakilala ang isa't isa, dahil sa hindi maaari nang tanggihan ang pagpapalit komunikasyon sa iba't ibang paraan. ang isa'y nabubuhay para sa iba, ganun kayo sa kanilang mga mata.
ganun kaeksakto ang mga naging eksena sa buhay ko. ang mas nagpagrabe pa dito ay hindi lang isang beses nangyari sa'kin ito. sa totoo lang ay ngayon ko muli dinadaan ito.
hindi na nga ba ako natuto't pabalik-balik ako sa mga nangyari sa'kin sa nakaraan? kung umuulit man ang aking naging kasaysayan, ibang tao naman ang mga nasangkot. ang pagkakataon nga naman, kung totoo'y parang imposible.
dahil sa kanila, napamahal ka na sa akin. naging isa kang importanteng tauhan sa kwento ng sarili kong buhay. ngunit ang problema lamang ay walang nakakaalam ng eksaktong dahilan kung bakit, maski ako ang tanungin ay magbibigay lang ako ng maraming dahilan.
tama ba kung sisihin ko ang mga taong nakapalagid sa'min dahil sa kanilang mga tukso, hirit at pagpaparinig sa amin? tama ba kung sisihin ko ang sarili ko dahil nakilaro ako sa mga biruan nila na hindi nagtagal ay naging seryosohan na? tama ba kung sisihin ko ang taong nagpahulog muli sa aking damdamin dahil lamang sa aming madalas na pagsasama at sa mas malalim na pagkakakilala, sa pagtuklas ng aming mga hinaing, sikreto at iba pang personal na bagay?
dahil sa kanila, napamahal lang lalo ako sa'yo. dahil sa'yo, napamahal ka lang sa akin. dahil sa mga pinaggagagawa ko, napamahal ka yata sa akin.
ngunit hindi rin solusyon ang paglayo nating dalawa, o ang pagputol ng komunikasyon sa isa't isa. maaaring lumala ang sitwasyon, hindi lamang sa pisikal na bagay, pati na rin utak natin ay hahamakin tayong konsensyahin sa pilit na nagiging katotohanan.
ang tanong ngayon: ano ba talaga ang pwedeng gawin? alam mo ang tungkol sa bagay na ito. hindi na ako nagiging sigurado sa lahat ng mga sinasabi ko. alam ko sa sarili ko na naging tapat naman lahat ng mga salita ko at wala akong ibig saktan ka.
sana'y naiintindihan mo ako. kailangan kita.

Subscribe to:
Posts (Atom)